Kaya siguro Princess ang naging pangalan mo kasi para ka nga talagang prinsesa namin. Naalala ko pa nong araw ng ipinanganak kita sa hamad women’s hospital kala ko pagkatapos kitang iluwal doon tayo dederetso sa isang kwarto na pampubliko, ayaw pala ng tatay mo na sa ganong kwarto lang tayo ilagak kaya nakipag-agawan pa sya sa maraming mga arabong lokal para lang mapasa -atin ang pribadong kwartong iyon. Kahit daw magbayad sya ng malaki basta ala prinsesa ang kwarto mo. Yon nga ang nangyari kahit sana nakareserba na yong kwartong yaon sa isang tunay na prinsesa na kung tawagin nilang “sheika” dito sa bansang ito nakuha pa rin ng tatay mo ang kwartong iyon kasi di pa naman daw nanganganak ang shiekang nagpareserba non.
Sobrang galak ang iyong tatay lalo na ako ng una ka naming masilayan lalong-lalo na rin ang yong lolo’t lola. Di ma-ipaliwanag na saya ang naramdaman naming lahat sa yong pagdating, isa ka ngang ala- prinsesa anak. Siguro di mo maaalala ang iyong unang mga ginawa sa unang araw mo sa labas ng tyan ni nanay, pagkalabas mo agad kang inilagay sa aking mga bisig para madama mo kaagad ang aking pagmamahal, siguro naramdaman mo yon di mo pa nga lang alam. Ginulat mo rin kaming lahat pati ng yong mga nurses at iba pang nandoon sa delivery room na yon ng inilagay ka sa incubator bigla mong hinaltak ang isang chord at inilagay sa iyong bibig at parang gutom ng gutom ka na sinipsip iyon, sa nakita namin napatawa kami at habang ako naman ay napaluha, sobra ka ngang biyaya sa amin, sa unang araw mo may alam ka na kaagad.
Ng ilang sandali pa pagkatapos natin sa recovery room akala ko matutulog ka na di pa rin pala at katulad ng ibang nga sanggol doon na bagong silang din pinadede din kayo sa bote. Tanong ko kaagad sa isang nurse bakit? Dapat di ba sa nanay sila dumede? Aywan ko nga ba sa hospital na to?
Ang iyong tatay at lolo’t lola nag-aantay na pala sa maganda nating kwarto lahat sila pagod at kulang din sa tulog kasi mula pa ala-una ng umaga gusto mo ng lumabas. Antagal na naglabor ako sa yo sobrang sakit pero lahat yon ay nakaya ko para sa yo anak. Akala ko na hihiwa-in na lang ako kasi siguro napagod ka na sa loob pero laking pasasalamat ko nong binigyan pa ako ng kaunting lakas para ilabas ka ng normal kahit di na humihilab ang tyan ko. At sa kawrto mong magala nag-aantay ang iyong tatay bitbit ang video cam para kunan ka ng video at picture sa unang araw mo sa mundong ito.
Sa mga sumunod na sandali dumating ang iyong mga bisita, lahat sila naaliw sa yo kasi parang isang linggo ka na daw sa bi nila. Pinasikatan mo na kasi sila kaagad, nakamulat na ang iyong mga mata, kumikibot-kibot na rin ang yong mga labi pag kinakausap at gandang-ganda kaming lahat sa yo para kang isang anghel na sanggol…malago ang maiitim na medyo kulot na buhok, mala-almond na maiitim na mga mata, manipis at magandang hugis ng iyonh mga labi at higit sa lahat ang matatambok mong mga pisngi, braso at mga hita.
Anlaki mo nga anak, nasobrahan ka siguro ng kain sa loob ng tyan ko. Di ko akalain na sa syam na buwan na yong pamalagi sa sinampupunan ko ay ganon ka kalusog ng lumabas. Pero talaga namang inalagaan ka naming mabuti ng tatay mo lahat ng hindi maganda para sa yo iniwasan ko pati ang nakasanayan ko ng pag-inom ng kape. Pati ang tatay mo pinatigil ako sa pagtratrabaho sa unang buwan mo pa lang sa tyan ko nong malaman nyang nandyan ka na. Natupad nga ang gusto namin para sa yo na ikaw ay maging malusog, maganda at bibo.
Sa unang mga araw mo marami ka na kaagad nagawa na nakaka-aliw. sa ikala mong araw sa ospital siguro di mo pa matatandaan yon ang pagsabi mo ng “heh” kay mama baby mo, sobrang galak sila ng magsalita ka, akalain mo dalawang araw ka pa lang andami mo ng alam.
Maraming nagsasabing magkamukha daw tayo pero syempre di rin pahuhuli si tatay mo, sabi nya magkamukha din daw kayo. Pero sa tingin ko para talaga tayong pinagbiyak ng bunga hawig na hawig nga kita, nong pinagtapat ko nga ang iyong larawan sa larawan ko walang pinagkaiba halos magkapareho talaga para tayong kambal yon nga lang nanay mo ako at anak kita. Nakakatuwa naman kasi nong nasa tyan pa lang kita palagi kong sinasabi na “sana anak makuha mo sa kin ang iyong mata at kay tatay mo naman ang lips, sa kin ang buhok at sa tatay mo ang iyong tindig at height. Parang narinig talaga kami ni Daddy God hinubog ka nya ayon sa pinagdasal namin matangkad ka para sa edad mo at ang manipis na lips ay kuhang-kuha mo sa tatay mo at para kang carbon copy ko.
Pati pangalan mo matagal na rin naming pinaghandaan di pa kami kinakasal ng tatay mo pinag-usapan na namin yon. At nong mabuntis na nga ako kala talaga namin na lalaki ka kasi sobrang likot mo sa tyan ko para kang nakikipag-wrestling sa loob ng sinapupunan ko minsan bumubukol ang iyong mga paa at siko sa may tagiliran ko kaya sabi ni tatay mo …”ayan si Sean Linus nakikipaglaro na naman” at halos gabi-gabi nilalaro ka ng tatay mo. Tunatahimik ka rin sa paglilikot pag binabasahan kita ng mga fairy tales at halos gabi-gabi napalitan na ng mga classic song ang dating pinapakinggan ko. Kailangan daw kasi sabi ng tatay mo na si mozart at iba pang mga classical ang marinig mo para matulad ka rin sa min na matatawag na mga biniyayaan ng talino. Ooopppsss!!! pero totoo naman eh! sa nakikinita namin ngayon pa lang dinoble mo ang talino namin masyado kang nahubog intelektwal at pisikal.
Kaya ka pala nagkaroon ng princess na pangalan dahil yon ang gusto ng nanay at tatay ng tatay mo gusto nila yon kasi nag-iisa kang apong babae. Ikaw lang ang prinsesa sa mga pinsan mong puro lalaki. Sa ngayon malaki ka na malapit na ang iyong unang kaarawan…hangad namain ng tatay mo lahat ng kabutihan para sa’yo…at alalahanin mo anak pinakamamahal ka namin…happy first birthday Princess Andrea Lizette